Sa mga nabanggit na indicators, madalas na ginagamit ang kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa. Ang paraan ng pagsukat sa pambansang kita sa pamamagitan ng GNI ay tinatawag na National
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.
MGA PARAAN SA PAGSUKAT NG GDP AT GNI
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod:1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.
PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME SA GROSS DOMESTIC PRODUCT
Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito ginawa.
Halimbawa:
Ang kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross Domestic Income ng Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross National Income ng bansang ito. Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas.
Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.
Halimbawa:
Ang kita ng mga dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kanilang bansa.
MGA PARAAN SA PAGSUKAT NG GDP AT GNI
1. FACTOR INCOME APPROACH
Sa paraang ito, sinusukat at pinagsasama-sama ang lahat ng kita ng mga salik ng
produksyon upang mabuo ang NI maliban sa mga salik ng produksyon,
idinaragdag rin ang Capital Consumption Allowance at Indirect
Business Taxes
2. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
Tinutuos ang karagdagang halaga ng produksyon ng mga
pangunahing industriya, at ang NFIFA tinatawag ring Value Added
Approach sa paggamit ng paraang ito, nakikita na ang isang produktong
dumaan sa iba't ibang proseso ay nadaragdagan rin ng halaga.
3. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
Tinutuos ang karagdagang halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya, at ang NFIFA tinatawag ring Value Added Approach sa paggamit ng paraang ito, nakikita na ang isang produktong dumaan sa iba't ibang proseso ay nadaragdagan rin ng halaga

Paalala: Upang higit na mas maunawaan ang mga paraan sa pagsukat ng GNI at GDP,
maaaring puntahan ang websayt na nakalagay sa ibaba.
Websayt: https://prezi.com/z9evgxxhvgft/mga-paraan-sa-pagsukat-ng-pambansang-kita/
Salamat po sa pagbahagi ng kaalaman sa aralin na ito☺ Mas naintindihan ko ang lesson ��
TumugonBurahinmaayos pong ipinaliwanag yung mga topic.. tska nagbigay pa po ng example kung saan para mas maging malinaw yung pagkaintindi sa mga konsepto sa economics class namin.
TumugonBurahinAng blog na ito ay naging malaking tulong upang mas maunawaan ko ang ating aralin.
TumugonBurahinNakatulong po ang blog na into sa pagaaral ng economics....napaliwanag po ng mabuti ang tungkol sa pambansang kits ng Pilipinas....
TumugonBurahinAno po yung halimbawa nang no. 4?
TumugonBurahinCopper, ceramic vs titanium curling iron | TiNAC Technology
TumugonBurahinThe bronze ceramic edge also helps ecm titanium to shape titanium or ceramic flat iron the edges of the 2017 ford fusion hybrid titanium clay. This design of copper can be a great solution for titanium undertaker building your own ceramic properties of titanium tiles.